MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Malacañang sa Estados Unidos at North Korea na itigil na ang palitan nang pagbabantang nuclear attack.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon na muling binibigyan diin ng Pilipinas ang apela nito sa dalawang panig na pairalin ang “self-restraint” upang sa gayon humupa ang tensyon sa mga ito.
“The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” sabi ni Abella.
Ginawa ni Abella ang nasabing statement matapos na nagbanta si US Pres. Donald Trump sa Pyongyang hinggil sa posibleng sapitin dahil sa missile program nito.
Bilang sagot, nagbanta rin ang North Korea na targetin ang Guam, na isang US territory sa Western Pacific.
Gayunman, sinabi ni Abella na minomonitor ng Philippine missions sa South Korea at Guam ang sitwasyon doon upang sa gayon ay matiyak ang kahandaan sa anumang pangyayari.