Negros Island Region binuwag ni Duterte
MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng isang Executive Order, binuwag ni Pangulong Duterte ang Negros Island Region na nabuo noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Ipinapawalang bisa ng Executive Order 38 na nilagdaan ni Duterte ang EO 183 na ipinalabas ni Aquino noong May 29, 2015 kung kailan nabuo ang NIR.
Base sa EO na ipinalabas ni Duterte, ibabalik sa Region 6 ang Negros Occidental habang ibabalik naman sa Region 7 ang Negros Oriental.
Binuwag din ang NIR Regional Offices (ROs) at mga Regional Councils (RCs) na nabuo dahil sa EO 183.
Dahil dito, ang lahat ng mga kawani ng NIR, ROs ay babalik sa kanilang dating units ng deployment o kaya ay itatalaga sa ibang tanggapan sa loob ng kanilang kinabibilangang departamento o ahensiya.
Inaatasan din ang DILG na pangunahan ang pagbabalik ng Negros Occidental sa Region VI at Negros Oriental sa Region VII.
Samantala, ang lahat ng utos, proklamasyon, rules at regulasyon na nailabas na hindi naaayon sa panibagong EO ay pinapawalang bisa o pinapa-amiyendahan.
- Latest