Negros Island Region binuwag
MANILA, Philippines — Naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) ngayong Miyerkules upang ipawalang bisa ang EO 183 ni dating Pangulo Benigno Aquino III na bumuo ng Negros Island Region (NIR).
Sa kautusan ni Duterte ay balik sa Western Visayas at Central Visayas ang Negros Occidental at Negros Oriental, ayon sa pagkakasunod.
"All existing personnel of the NIR [Regional Offices] shall return to their previous units of deployment, or reassigned to other offices within their respective departments/agencies," nakasaad sa EO 183 ni Duterte.
Bago nito ay naiulat na ang pag-alis ng ilang ahensya ng gobyerno sa NIR dahil hindi sila isinama sa 2018 budget.
Inatasan naman ang Department of the Interior and Local Government na pangasiwaan ang pagbalik ng dalawang lalawigan sa kani-kanilang rehiyon.
Ikaapat sa pinakamalaking isla ang Negros Islands na may 13,351 square kilometers na land area. Mayroon itong 19 lungsod at 38 bayan.
Muling makakasama ng Negros Occidental sa Western Visayas ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo, habang nasa Central Visayas ang Negros Oriental Bohol, Cebu at Siquijor.
- Latest