Dagdag suweldo, benepisyo sa mga sundalo isinulong
MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo, nagkaisa ang mga mambabatas sa pagsusulong ng dagdag suweldo at benepisyo ng mga sundalo partikular na sa mga sumasabak sa combat zones.
Ito’y sa gitna na rin ng pagbubuwis ng buhay ng aabot na sa 119 sundalo sa 75 araw na krisis sa Marawi City.
Ayon kay 5th District Pangasinan Rep. Amado Espino, chairman ng House Committe on National Defense and Security, inaprubahan na nila ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) upang pagsanibin ang apat na panukalang batas na magbibigay ng dagdag suweldo at benepisyo sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang dito ang House Bills (HB) 429, 5532 at 5592 na iniakda nina dating Pangulo at ngayo’y 2nd District Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Aangat Tayo Partylist Rep. Harlin Neil Abayon; Michael Romero at Enrico ng Partylist 1 PACMAN gayundin ni Espino.
Ang HB 429 ni Macapagal-Arroyo ay naglalayong itaas pa ang combat pay at additional combat incentive pay ng mga sundalo.
?“It shall allocate a monthly combat pay of P1,000 and an additional P500 per day combat incentive pay for those who are designated to engage in actual battle,” anang dating pangulo.?
Nais naman nina Romero at Pineda sa kanilang HB 5532 na itaas pa ang longevity pay ng lahat ng mga opisyal at enlisted personnels ng AFP at bigyan ang mga ito ng karagdadang suweldo sa kanilang substantive duties.
Layon naman ng HB 5592 ni Espino na dating AFP official na maitaas pa ang quarter allowance ng AFP officers at enlisted personnel.
- Latest