^

Bansa

Dagdag suweldo, benepisyo sa mga sundalo isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dagdag suweldo, benepisyo sa mga sundalo isinulong

Ayon kay 5th District Pangasinan Rep. Amado Espino, chairman ng House Committe on National Defense and Security, inaprubahan na nila ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) upang pagsanibin ang apat na panukalang batas na magbibigay ng dagdag suweldo at benepisyo sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Presidential Photographers Division/Ace Morandante, File

MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo, nagkaisa ang mga mambabatas sa pagsusulong ng dagdag suweldo at benepisyo ng mga sundalo partikular na sa mga sumasabak sa combat zones.

Ito’y sa gitna na rin ng pagbubuwis ng buhay ng aabot na sa 119 sundalo sa 75 araw na krisis sa Marawi City.

Ayon kay 5th District Pangasinan Rep. Amado Espino, chairman ng House Committe on National Defense and Security, inaprubahan na nila ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) upang pagsanibin ang apat na panukalang batas na magbibigay ng dagdag suweldo at benepisyo sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang dito ang House Bills (HB) 429, 5532 at 5592 na iniakda nina da­ting Pangulo at ngayo’y 2nd District Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo,  Aangat Tayo Partylist Rep. Harlin Neil Abayon; Michael Romero at Enrico ng Party­list 1 PACMAN gayundin ni Espino.

Ang HB 429 ni Macapagal-Arroyo ay nag­lalayong itaas pa ang combat pay at additional combat incentive pay ng mga sundalo.

?“It shall allocate a monthly combat pay of P1,000 and an additional P500 per day combat incentive pay for those who are designated to engage in actual battle,” anang dating pangulo.?

Nais naman nina Ro­mero at Pineda sa kanilang HB 5532 na itaas pa ang longevity pay ng lahat ng mga opisyal at enlisted personnels ng AFP at bigyan ang mga ito ng karagdadang suweldo sa kanilang substantive duties.

Layon naman ng HB 5592 ni Espino na dating AFP official na maitaas pa ang quarter allowance ng AFP officers at enlisted personnel.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with