Digong kay NoKor leader Kim Jong Un: Buang!
MANILA, Philippines – Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si North Korea North Korean Supreme Leader Kim Jong Un dahil sa paglalaro ng “dangerous toys” na makasisira sa mundo.
Tinawag na buang ni Duterte si Kim kasunod ng panibagong missile tests na bumagsak malapit sa Okushiri Island ng Japan.
“Itong si Kim Jong Un, itong tarantado ito, I do not think he is ready, but he is playing with dangerous toys, ‘yang buang na ‘yan,” wika ng Pangulo sa ika-116 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue kahapon.
“That chubby parang mabait ‘pag nagkamali ito the Far East will become an arid land,” dagdag niya.
Sa naging pag-uusap sa telepono ni Duterte at United States President Donald Trump, tinawag niyang “mad man” si Kim.
Nanawagan si Duterte na manalangin upang matigil ang kaguluhan na tiyak na makaaapekto sa buong mundo.
“It must be stopped itong nuclear war because a limited confrontation and it blows up here. Sabihin ko sa’yo the fallout could deplete the soil, its resources at ewan ko kung anong mangyari sa atin,” ani Duterte.
Nakatakda namang magkita si Duterte at North Korean Foreign Minister Ri Su-yong para sa Association of Southeast Asian Nations Ministerial Meetings and Related Meetings sa Maynila.
- Latest