^

Bansa

BoC iginisa sa P6.4 B shipment ng shabu

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
BoC iginisa sa P6.4 B shipment ng shabu

Kaugnay ng ulat mula sa pahina 2, nasa larawan si BOC Commissioner Nicanor Faeldon habang nagpapaliwanag hinggil sa P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment mula sa China sa isinagawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines -  Iginisa kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa nakalusot na P6.4 bilyong shipment ng shabu na nakumpiska sa warehouse sa Valenzuela City noong nakaraang Mayo.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, kinuwestiyon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang BOC kung bakit pinayagan ang shipment ng EMT Trading na makadaan sa green lane kahit nagmula ito sa China.

Ipinunto rin ni Lacson na sa 524 importasyon ng EMT Trading simula Marso 31 hanggang Mayo 29, nasa 484 ang pinayagang dumaan sa green lane kung saan hindi na kailangan pang dumaan sa inspeksiyon.

Sinabi pa ni Lacson na dapat ay naka-red flag kaagad ang nasabing shipment. Nakita rin ni Lacson ang pagpapatuloy ng shipment ng EMT Trading kahit pa ito ang nasa likod ng importasyon ng 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.

Ipinaliwanag naman ni Deputy Commissioner Gerardo Gambala na hindi nai-encode ni Larribert Hilario, hepe ng risk ma­nagement office,  ang update na listahan ng mga bagong importers kaya hindi dumaan sa tamang lane ang shipment.

Ayon kay Neil Estrella, pinuno ng Intelligence and Investigation Service ng BOC, ang kontrabando ay idineklarang mga kitchenware. Inihayag naman ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na sinuspinde na nila si Hilario sa kabila ng impormasyon ni Lacson na nakikita pa rin itong nagre-report sa BOC.

 Inihayag din ni Faeldon na sa isinagawa nilang imbestigasyon, nadiskubre na tinangka ni Hilario na baguhin ang kanilang system upang palabasin na na-encode niya ang tamang impormasyon.

Samantala si Hilario naman ang sorpresang testigo ng Kamara sa isasagawang pagdinig ngayon ng House Committee on Dangerous Drugs sa pangunguna ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.

Ayon kay House Majority leader Rodolfo Fariñas na hawak na nila si Hilario, ang Risk Management ng BOC. Ang 6.4 billion na halaga ng shabu ay nakalusot sa green lane ng BOC noong Mayo. Nakausap na umano ni Fariñas si Hilario at base sa mga pahayag niya ay makakapagbigay linaw siya sa misteryo ng paglusot ng malaking bulto ng shabu sa BOC.   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with