MANILA, Philippines - Nagbabala si Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa pagbaba ng porsiyento ng mga nagta-trabaho sa sektor ng agrikultura bawat taon at maaring umasa na lamang umano ang bansa sa pag-aangkat ng mga pagkain sa ibang lugar kung hindi ito mababago.
Ayon kay Sarmiento, lumiliit ang bilang ng mga kabataan, mapa-lalaki o babae na ituloy ang kanilang kinabukasan o career sa agrikultura dahil mas pinipili nila ang magtrabaho sa mga call centers, fast food chains at department stores kaysa tumulong sa bukid.
Sinabi ni Sarmiento, na mula noong 2013-2015, bumaba ng may 0.53 hanggang 1.39 porsiyento sa agricultural employment rate ng bansa batay sa census na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sabi ng kongresista, noong 2013, mayroon nang pagbaba nang 31.06 milyon na kabilang sa agrikultura ngunit ito lumiit pa ng 29.14 milyon noong 2015. Ang ibig sabihin nito hindi bababa sa 1.92 milyong mga Pilipino na ginamit upang mag-ambag sa produksyon ng pagkain ang umano’y lumipat sa iba pang anyo ng kabuhayan sa loob lamang ng 2 taon.
Lubhang nababahala si Sarmiento sa pagliit ng mga lupain pangsakahan dahil ang iba sa mga ito ay ‘converted’ na sa industriya at residential real estates at ang dwindling production na kapasidad sa mga natitirang sakahan ay naapektuhan na rin dahil sa pagbabago ng klima.
Hinimok ni Sarmiento ang pamahalaan para maging masigla at itaas ang interes ng mga kabataan sa sakahan upang madagdagan ang educational subsidies at mga scholarship sa mga mag-aaral na nais na ituloy ang kanilang pag-aaral para sa sektor ng agrikultura.
Idinagdag ni Sarmiento, na gawing moderno ang mga agricultural colleges at universities para matuto ang mga bagong mag-aaral ng pinaka-advanced na teknolohiya sa mundo ng agricultural production.