MANILA, Philippines - Isinusulong ni House Minority leader Danilo Suarez ang panukalang gawing 60 taong-gulang ang retirement age ng mga sundalo at pulis.
Ayon kay Suarez, masyadong maaga pa para magretiro ang mga sundalo at pulis sa edad na 56.
Nakakapanghinayang naman umano dahil nasa prime pa ang kanilang buhay at kalakasan pa ang mga ito sa ganitong edad.
Paliwanag pa ni Suarez na hirap nang makakuha ng trabaho ang mga sundalo at pulis paglabas ng serbisyo.
Makakatulong din umano sa gobyerno kung patatagalin ang retirement ng mga ito dahil masyado nang malaki ang binabayaran ngayon na retirement benefits.
Kaya dapat umanong i-extend ang retirement age para makapagpahinga at mabawasan ang retirees para makatipid din ang gobyerno.
Dahil dito kaya hiniling ni Suarez sa Senado na agad na ipasa ang nasabing panukala.