^

Bansa

Retirement age ng sundalo, pulis hirit gawing 60 anyos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Retirement age ng sundalo, pulis hirit gawing 60 anyos

Ayon kay Suarez, masyadong maaga pa para magretiro ang mga sundalo at pulis sa edad na 56. File

MANILA, Philippines - Isinusulong ni House Minority leader Danilo Suarez ang panukalang gawing 60 taong-gulang ang retirement age ng mga sundalo at pulis.

Ayon kay Suarez, masyadong maaga pa para magretiro ang mga sundalo at pulis sa edad na 56.

Nakakapanghinayang naman umano dahil nasa prime pa ang kanilang buhay at kalakasan pa ang mga ito sa ganitong edad.

Paliwanag pa ni Sua­rez na hirap nang ma­ka­kuha ng trabaho ang mga sundalo at pulis paglabas ng serbisyo.

Makakatulong din umano sa gobyerno kung patatagalin ang retirement ng mga ito dahil masyado nang malaki ang binabayaran ngayon na retirement benefits.

Kaya dapat umanong i-extend ang retirement age para makapagpa­hinga at mabawasan ang retirees para makatipid din ang gobyerno.

Dahil dito kaya hiniling ni Suarez sa Senado na agad na ipasa ang nasabing panukala.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with