^

Bansa

Ormoc niyanig ng 5.4 magnitude na lindol

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ormoc niyanig ng 5.4 magnitude na lindol

Binibigyang-lunas ng mga rescue volunteer at medics ang ilan sa mga estudyante ng New Ormoc National High School na nawalan ng malay dahil sa pagkataranta sa naganap na lindol kahapon ng umaga. (Kuha ni Joseph Pilapil)

MANILA, Philippines - Dalawang kustomer ng isang hotel ang nasugatan matapos na tumalon sa ikalawang palapag nito at nataranta at nagkagulo ang mga residente kabilang ang mga nag-iiyakan habang  nasa 92  estudyante ang nahilo at tatlo pa ang nasugatan  nang yanigin ng 5.4 magnitude ng lindol ang Ormoc City, Leyte nitong Lunes ng umaga (Hulyo 10).

 Ito’y sa dahilang ma­tindi pa ang trauma ng mga residente sa pagtama sa Leyte partikular na sa Ormoc City ng 6.5 magnitude ng lindol kung saan apektado rin ang iba pang lugar sa Visayas Region noong Hulyo 6 ng nakalipas na linggo.

 Ayon kay Supt. Ma. Elma delos Santos, taga­pagsalita ng Ormoc City Police, dakong alas-9:40 ng umaga nang mataranta ang mga tao sa pagyanig muli ng lindol sa lungsod.

Sinabi ni delos Santos na dahilan sa matinding panic ay tumalon sa ikalawang palapag ng  Pongos Hotel  na matatagpuan sa kahabaan ng Bonifacio Street, Ormoc City ang dalawa nitong kustomer na sina Alexander Balang, 45, ng Baesa, Quezon City  at Edgar Tabaco, 46, ng Ormoc City. Ang mga ito ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Maging ang mga estudyante sa Ormoc City ay nagpanakbuhan din sa kasagsagan ng lindol bu­nga ng matinding trauma at paghi-hysteria sa naunang  6.5 magnitude ng pagyanig ng lupa sa kanilang lugar  sa halip umanong isagawa ang ‘duck, cover and hold’ na dapat natutunan ng mga ito sa ‘earthquake drill’.

Nasa 50 estudyante ang napaulat na nahilo at hinimatay matapos na magsipag-hysteria na nagpapanakbuhan sa kasagsagan ng lindol

Sa kasalukuyan, tumaas na sa 329 ang mga nasugatan sa pagtama ng lindol sa mga apektadong lugar sa Leyte habang naitala naman sa 1,837 pamilya o kabuuang 9,185 katao ang apektado sa  6.5 magnitude ng lindol .

Naitala naman sa 700 ang mga nawasak na kabahayan  habang nasa 1, 700 naman ang apektado. Sa pagyanig ng lindol sa Leyte noong nakalipas na linggo ay nanatili naman sa 2 katao ang nasawi at anim ang nasagip sa gumuhong 3 storey na gusali sa bayan ng Kananga.

Umabot sa 5.4 magnitude ang naramdaman sa Ormoc City; Intensity V sa Kananga, Leyte; Intensity IV sa Mayorga, Leyte at Tac­loban City; Mandaue City; Intensity III naman sa Loay at Jagna, Bohol; Cebu City; habang Intensity II naman sa Lapu-Lapu City; Cadiz City, Negros Oriental.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 015 kilometer ng hilagang sila­ngan ng Ormoc City. May 006 kilometro naman ang lalim ng lupa ng naturang lindol. Tectonic ang ugat ng naturang pagyanig.

Sa kabuuan, nakapag­tala ang Phivolcs ng wa­long aftershocks sa naganap na lindol nitong 9:42 ng umaga sa Ormoc City Leyte hanggang alas 2:30 ng hapon kahapon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with