^

Bansa

Duterte naging magaling na lider - GMA

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging magaling na lider at nagawa na ni Pangulong Duterte ang maraming programa na kanyang naipangako noong kampanya.

Ito ang assessment ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa unang taon ng pamamahala ni Duterte kahapon, Hunyo 30.

Paliwanag pa ni Arroyo, naging malaking achievement ni Duterte sa kanyang unang taon sa Malacañang ang laban sa illegal drugs at korapsyon gayundin ang programa niyang Build, Build, Build na isang hakbang para sa tamang direksyon upang makamtan ang inclusive growth ng bansa.

Dahil dito kaya dala­ngin ng dating presidente na magkaroon ng magandang kalusugan si Duterte hanggang matapos ang kanyang termino lalo at inaa­sahan umano ng mga Filipino ang kanyang pamumuno na nagbigay daan para makamit ang tunay na pagbabago.

Subalit para kay ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro, wala silang nakikitang genuine na pagbabago sa unang taon ng pa­nunungkulan ng Pangulo dahil maraming anti-poor policies ang ipinakita niya at hindi pa rin niya natutugunan ang panga­ngailangan ng mga tao.

Puna pa ni Tinio, ang ginagawa ng Pangulo ay taliwas sa mga nauna niyang pahayag laban sa military agreements sa US tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), gayundin ang pagtatalaga sa may 59 ex-military men sa key positions sa gobyerno na nagdudulot ng militarization na dapat sana ay civilian bureaucracy.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with