Arraignment ni de Lima inusog sa Agosto

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng korte ngayong Biyernes ang arraignment ni Sen. Leila de Lima para sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa pagharap niya sa Muntinlupa regional trial court, kinuwestyon ni de Lima ang aniya'y napakahinang arrest warrant laban sa kaniya.

Tinugunan naman ito ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Branch 20 ng korte na itinakda ang arraignment sa Agosto 18.

Samantala, binigyan naman ng 10 araw ang prosekyusyon upang makapag komento sa inihirit ni de Lima.

Inaresto ang senadora dahil sa umano'y pakikipagsabwatan niya sa mga drug lord ng New Bilibid Prison.

Nangalap umano ng pondo ang noo'y Justice secretary gamit ang drug money upang pondohan ang kaniyang kampanya sa pagkasenadora.

Kasalukuyang nakakulong si de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.

Show comments