MANILA, Philippines - Nakalikom na ang Kamara ng mahigit sa P13 milyong pondo para sa mga biktima ng Marawi siege
Ang fund raising ay sinimulan noong Mayo 28-31 hanggang matapos ang session ng kongreso.
Ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas na, mayroon ng 200 kongresista ang nagbigay ng donation mula sa kanilang sariling bulsa sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez at iba pang kongresista mula sa P10,000 hanggang P500,000.
Habang nagbigay din sina Isabela Gov. Bojie Dy, Isabela Vice Gov. Tony Pet Albano, Ilocos Sur Governor Ryan Singson at Laoag board member Ria Fariñas.
Ang nasabing halaga umano ay gagawin munang trust fund habang nagtatag pa ng isang committee na siyang mangangasiwa kung paano ipapamahagi ng tama sa bawat pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa Marawi.
Mayroon naman umanong suhestyon si Maguindanao 1st district Rep. Bai Sandra Sema na bigyan na lamang ng tig-P500 ang bawat pamilya para sila na lamang ang bibili ng gusto nilang mga pagkain.