Walang pasok: Hunyo 26 para sa Eid’l Fitr
MANILA, Philippines — Inilabas ng Malacañang ngayong Biyernes ang Proclamation No. 235 na nagdedeklara na regular holiday ang Hunyo 26 para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga Muslim.
Ang deklarasyon ay naaayon sa Republic Act 9177, Eid'l Fitr o ang Feast of Ramadhan kung saan ito ang pagtatapos ng Ramadan.
"Whereas, the entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid'l Fitr,” nakasaad sa kautusan na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
READ: June 26 (Monday) declared as a regular holiday in observance of Eid'L Fitr. | @alexisbromero pic.twitter.com/NugS3Dhrig
— The Philippine Star (@PhilippineStar) June 16, 2017
Sa Article 169 ng 1977 Presidential Decree 1083 ay nakasaad na kinikilala ang Eid al-Fitr bilang isa sa mga legal Muslim holidays.
Ang mga magtatrabaho sa naturang araw ay makatatanggap ng 200 porsiyento ng kanilang arawang kita.
- Latest