^

Bansa

Bloody Freedom Day

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bloody Freedom Day

Sa kabila ng patuloy na pagsabog at bakbakan sa Marawi city ay nagdaos pa rin ng flag-raising ce­remony ang mga lokal na opisyal, mga sundalo at pulis sa lungsod. AFP

Pero watawat itinaas sa Marawi City

MANILA, Philippines - Sa kabila ng patuloy na pagsabog at bakbakan sa Marawi city ay nagdaos pa rin ng flag-raising ce­remony ang mga lokal na opisyal, mga sundalo at pulis sa lungsod.

Bagama’t malakas ang pag-awit ng Lupang Hinirang, namayani pa rin ang malalakas na pagsabog habang isinasagawa ang pagtataas ng Watawat sa City hall. Napakalapit lamang ng Marawi City hall sa lugar na sentro ng bakbakan.

Habang idinadaos ang flag-raising tatlong aircraft ang nagsasagawa ng air strike sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute group.

Naging emosyonal matapos na hindi mapigilan ng mga sundalo at mga sibilyan ang maiyak nitong Lunes sa pagtataas ng bandila kasabay ng paggunita sa Araw ng Kasarinlan sa Marawi City na dumaranas pa rin ng krisis na pumalo na sa ikatlong linggo.

Maliban sa Marawi City hall, naidaos din ang flag raising ceremony sa 39 na mga bayan sa Lanao De Sur kahapon habang ginugunita ang Araw ng Kalayaan.

Kaugnay nito, muling nagsagawa ng airstrike ang militar laban sa Maute Group sa Marawi City alas-2:00 ng madaling araw, kahapon (June 12, 2017).

Batay sa ulat, nasa tatlong OV-10 bomber planes ang naghulog ng mga bomba sa bahagi ng lungsod na pinagkukutaan ng teroristang grupo.

Ayon kay Lanao del Sur Spokesman Zia Alonto Adiong, hindi mapipigil ng patuloy na bakbakan ang kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa kapitolyo.

Samantala, ibubuhos na ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng firefighting capabilities para tapusin na ang Maute Group sa Marawi City na patuloy na nakiki­pagbakbakan sa militar.

Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tugon nila sa pinapakawalang sniper fires, mortar fire, anti-tank rounds at IED’s ng Maute Group para makapatay ng kahit sino at makapanira ng mga ari-arian kabilang na ang simbahan.

Sa tala nasa 58 sundalo at pulis na ang nagbubuwis ng buhay sa krisis sa Marawi City habang 191 naman sa hanay ng mga terorista at 21  ang mga sibilyan.

Sa isang ‘televised’ flag raising ceremony, sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra na kailangang magapi ng security forces ang mga teroristang siyang sanhi ng pagkasira ng kapa­yapaan at pagkawasak ng kanilang lungsod.

“Kailanman ay hindi nating papayagan ang anumang grupo na ibagsak ang gobyerno ng Marawi,” ani Gandamra sa kaniyang talumpati na naiyak din sa tinamong matinding pinsala ng kanilang lungsod sa umaatikabong bakbakan ng security forces at ng Maute -ISIS terrorists.

“Napakabigat sa akin at mga constituents ko yung devastation dito sa aming lungsod, baba­ngon kami kakayanin natin eto,” anang alkalde na hindi napigil ang kaniyang emosyon ng mapaluha ito na naiiling sa mga pangyayari.

Kamakalawa ay ibi­nun­yag mismo ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ang Marawi siege ay ipinagutos mismo ng lider ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghadi upang ga­wing terror cell ng kanilang grupo ang lungsod.

Sa kasalukuyan ay nakasentro na lamang sa Bangolo area o sa komersyal na distrito ng lungsod ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng nalalabi pang grupo ng mga terorista na nagtatago sa mga gusali at bahay na kanilang inokupa. Kaugnay nito, tumanggi muna ang militar na magbigay ng update sa bakbakan sa Marawi City dahilan inoobserbahan nila ang ‘day of silence and prayers’ para sa 58 sundalo at pulis na nasawi sa engkuwentro.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with