Bam: Fake news pinagbabasehan ni Aguirre sa mga paratang
MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Sen. Bam Aquino si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mangalap muna ng ebidensya bago paratangan ang ilang personalidad.
Sinabi ni Aquino na hindi dapat maniwala sa fake news si Aguirre lalo na’t maaari namang manghingi ng mga opisyal na pahayag sa mga ahensya ng gobyerno.
“Is fake news enough for the head of our country’s Department of Justice to make these outrageous allegations?” pahayag ng senador.
Inalmahan ni Aquino ang paratang ni Aguirre na may kinalaman sila sa panggugulo ng Maute terror group sa Marawi City.
BASAHIN: Trillanes, Aquino, Alejano may kinalaman sa Marawi siege - Aguirre
Bukod kay Aquino, idinawit din ng kalihim sina Sen. Antonio Trillanes, Magdalo Rep. Gary Alejano at ex-presidential adviser Ronald Llamas.
Sinabi ni Aguirre na nagpulong sina Trillanes at Aquino sa Marawi City tatlong linggo bago umatake ang local terrorist group sa lungsod.
“On May 2, 2017, I was the PUP commencement speaker at the PICC and attended the session at the Philippine Senate,” wika ni Aquino.
“My trip to Marawi was on May 19, 2017 to launch the first Negosyo Center in the ARMM and I had with me an AFP escort throughout my trip, which can easily be verified through the AFP,” dagdag niya.
Sinabi ni Aquino na madali naman malaman ang katotohanan.
“These are easily verifiable for anyone who cares to find the truth. It would be prudent for Sec. Aguirre to clarify dates, seek evidence and request for official statements from legitimate government agencies before he makes yet another false accusation,” sabi ng senador.
“This tragedy could have been an opportunity to unite the Philippines against a common enemy. Instead, it’s being used to further political interests and further divide our country.”
- Latest