PANOORIN: Kontrobersyal na binurang martial law video ng PCOO

MANILA, Philippines – Binura na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kontrobersyal na video tungkol sa martial law sa Mindanao matapos ulanin ito ng batikos mula sa mga netizens.

Ngunit bago pa man ito mawala ay may ilan nang nakapag-download nito at muling ibinahagi sa social media.

BASAHIN: Martial law video ng PCOO, inulan ng batikos

“In the free society, there are groups who don’t want to give independence. They are adamant on detaining peaceful spirits. They are distressing feelings with fears. Let us not allow them to terrify us. We will all fight in unity. Martial law should be the rule of the land. Martial law now,” ayon sa video.

Isinailalim sa martial law ang Mindanao kasunod ng panggugulo ng Maute group sa Marawi City nitong nakaraang linggo.

Patuloy pa rin ang opensiba ng gobyerno laban sa mga terorista.

Show comments