^

Bansa

90% ng Marawi nabawi na sa Maute

Pilipino Star Ngayon
90% ng Marawi nabawi na sa Maute

Ineskortan ng mga sundalo ang na-rescue nilang mga residente sa kanilang mga bahay matapos maipit sa bakbakan sa Marawi. AFP

MANILA, Philippines - Nabawi na ng tropang gobyerno ang 90% sa Marawi City mula sa te­roristang Maute-ISIS sa ika-siyam na araw ng labanan sa lungsod.

Ito ang inihayag kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla habang patuloy ang pagsusumikap ng militar na malipol ang nalalabi pang pu­wersa ng mga terorista na nagsagawa ng paglusob sa Marawi.

“Ang huling ulat na nakuha natin batay sa ating mga tauhan diyan, 90 percent na ng siyudad ay na-clear na nila nang maayos pero may natitira pang 10 porsyento ng City na hindi pa ganap,” pahayag ni Padilla.

Sinabi rin ni Padilla, mayroong 8 miyembro ng Maute ang nahuli ng militar na nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kanilang grupo na lumusob sa Marawi City simula noong Mayo 22.

Nitong Martes ay nagpalabas ng ultimatum na ‘surrender or die’ ang AFP laban sa Maute-ISIS at Abu Sayyaf Group sa lungsod. 

Bukod sa mga lokal na terorista ay tinatayang nasa 40 dayuhang tero­ristang jihadists ang napaulat na sumasabak rin sa bakbakan sa Marawi City pero ayon sa mga opisyal ng militar ay ina­alam pa nila ang eksaktong bilang ng mga ito.

Si Hapilon na may $5M reward mula sa US gov’t ay nagpaplano umanong magtayo ng grupong ISIS na ang base ay sa nasabing lalawigan.

Sa kasalukuyan, bantay sarado na ang entry at exit points sa buong Marawi upang mapigilan ang posibleng reinforcement ng iba pang mga teroristang grupo tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Nabatid na ang pagdami ng puwersa ng nasabing teroristang grupo ay matapos pakawalan ng mga ito sa Marawi City jail ang mga nakapiit nilang mga kasamahan.

Samantala ang mala­lakas na armas ng mga rebelde ay mula sa pa­ngongotong ng mga ito at pagsalakay sa mga gun shop at maging sa piitan sa lungsod gayundin sa mga himpilan ng pulisya.

Niransak rin umano ng mga terorista ang mga ina­bandonang convenience store sa lalawigan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with