Suplay ng bigas sa Marawi sapat
MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa publiko na may sapat na suplay ng bigas sa Marawi City na ngayon ay patuloy na dumadanas ng kaguluhan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute.
“We assure all residents of Marawi and the rest of Mindanao that we have enough rice in NFA warehouses in the area. We are ready to issue rice to relief-giving agencies such as the Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Red Cross (PNRC) and local government units anytime they would need it to distribute to the affected residents,” pahayag ni NFA administrator Jason Laureano Y. Aquino.
As of May 24, ang NFA-Marawi City ay may imbak na 38,000 bags ng bigas sa kanilang warehouse.
Ang NFA rice stocks sa buong Mindanao na nasa ilalim ngayon ng Martial Law ay may 1,504,190 bags na buffer stock na handang gamitin sa pangangailangan sa rehiyon sa oras ng pangangailangan sa butil.
- Latest