Marawi City, nagmistulang ghost town

Nagsilikas ang mga residente sa Marawi City matapos maghasik ng kaguluhan ang Maute terror group sa lungsod nitong Martes ng gabi. AFP Photo

MANILA, Philippines - Nagmistulang ghost town ang buong lungsod ng Marawi city ngayong araw.

Ito’y matapos magkanya-kaniya sa paglikas ang mga residente sa nasabing lugar at sinamantala rin ang ceasefire.

Ayon kay Dra. Notara Magumnang, sarado ang lahat ng mga tindahan at negosyo dahil sa takot ng mga residente.

Nahihirapan din sila sa kanilang komunikasyon dahil nakakaranas ng total blackout ang buong lugar.

Naalarma rin daw sila sa mga kumakalat na text messages na binigyan lang sila ng hanggang alas-12:00 ng tanghali na lumikas dahil nagbanta ang mga Maute group na may gagawing pambobomba sa nasabing lugar.

Dahil dito, nakaranas ng grabeng trapiko ang Marawi City dahil nag-uunahan ang mga residente na lumikas sa nasabing lugar.

Ang ibang walang masakyan ay minabuting maglakad kahit walang kasiguraduhan kung saan magtutungo sa gitna na rin ng matinding sikat ng araw.

Show comments