Cayetano bagong DFA secretary

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging runningmate na si Sen. Alan Peter Cayetano bilang Foreign Affairs secretary.

Sinabi ni Duterte sa isang pulong balitaan bago ang kaniyang pagpunta ng Cambodia, Hong Kong at Beijing, na niagdaan na niya ang mga papeles ni Cayetano.

“I remember I signed an appointment just before I left my room and I saw the name of Sen. Cayetano sa DFA,” pahayag ni Duterte.

Papalitan ni Cayetano si acting Secretary Enrique Manalo na babalik na bilang undersecretary.

Sa paglipat ni Cayetano sa DFA ay kailangan niyang bitawan ang pagiging senador.

Si Cayetano ang naging runningmate ni Duterte nitong eleksyon 2016 ngunit bigong manalo bilang bise presidente.

Show comments