MANILA, Philippines - Malabong mapagtibay ang panukalang ipagpaliban ang Barangay elections bago ang recess ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo.
Mismong si House on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna ang umamin na malabo ang pagpapatibay nito bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte dahil hanggang ngayon ay ni hindi pa nila ito naisasalang sa pagdinig.
Naniniwala naman si Tugna na kakayanin nilang pagtibayin ang panukala para ipagpaliban ang Barangay elections pagkatapos ng SONA ng Pangulo sa huling bahagi ng Hulyo. (