Rolbak sa petrolyo

MANILA, Philippines - Isang may kalakihang halaga ng rolbak sa produktong petrolyo sa bansa ang sasalubong sa mga motorista nga­yong darating na linggo.

Kinumpirma ni Energy Undersecretary Felix Fuentabella na may magaganap na rolbak na maaaring maglaro mula P.70 hanggang P.90 sentimos sa gasolina, diesel at kerosene.

“Estimated downward adjustments in pump prices may still change on Monday upon the completion of the whole week assessment of oil trading,” dagdag ni Fuentebella.

Ayon pa sa ahensya, “oversupply” ng produktong petrolyo sa bansa ang dahilan ng pagbaba sa halaga nito.

Sa ibang pagtataya, maaaring umakyat sa P1 kada litro ang iba­ba sa gasolina habang posibleng umabot sa ?P1.10 naman sa diesel at kerosene.

Sa datos ng DOE, nag­lalaro mula P27.75 hanggang P32.96 kada litro ang halaga ng diesel at P38.25 hanggang P50.40 kada litro ng gasolina.

Show comments