‘Pabor sa compromise tax agreement vs Mighty nadagdagan pa – solon

Dumami pa ang mga kongresistang kumukunbinsi sa Bureau of Internal Revenue na suportahan na lamang ang posisyon ni Pangulong Duterte na pumasok sa out of court settlements sa mga kasong tax evasion.
Philstar.com, File/Department of Finance, released

MANILA, Philippines - Dumami pa ang mga kongresistang kumukunbinsi sa Bureau of Internal  Revenue (BIR) na suportahan na lamang ang posisyon ni Pangulong Duterte na pumasok sa out of court settlements sa mga kasong tax evasion.

Ginawa ni House Committee on labor and Employement chairman at  Cagayan Rep. Randolph Ting ang pahayag matapos na magbanta si BIR Commissioner Caesar Dulay na ipapasara ang Mighty Corporation.

Ayon kay Ting, bagamat nararapat na parusahan ang kumpanya ay hindi naman tamang kanselahin ang kanilang operasyon lalo pa at may utos ang Pangulo para sa out of court settlement.

Kaya tanong ni Ting, paano ang mga taong umaasa sa kumpanya at matagal nang nagtatrabaho sa Mighty corporation.

Show comments