20 ‘ninja cops’, sinibak
COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines - Aabot sa 20 pulis sa Northern Mindanao police regional office na isinasangkot sa drug trade ang sinibak sa serbisyo.
Ito ang kinumpirma ni Northern Mindanao police regional office director P/Chief Supt. Agripino Javier kung saan kabilang sa mga sinibak sa serbisyo ay mga opisyal na nasangkot sa droga sa rehiyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa kinasasangkutang kaso ng mga na-relieved na pulis.
Pansamantalang itinanggi muna ni Javier ang pagpapalabas sa pangalan ng mga pulis na sinibak upang hindi maantala ang isinasagawang imbestigasyon.
Nilinaw din ng NM-PRO na nagpapatuloy ang internal cleansing ng organisasyon sang-ayon sa mandato ni PNP Director General Rolando “Bato” Dela Rosa.
- Latest