^

Bansa

ASEAN delegates hanga sa Anti-HIV AIDS program ng QC

Angie dela Cruz - Associated Press

MANILA, Philippines -  Pinuri at humanga ang mga youth leaders na kasama sa delegado ng Asean Summit mula Singapore, Myanmar, Thailand, Laos, Brunei, Malaysia, Cambodia at  Indonesia sa patuloy na Anti-HIV Aids program ng QC.

Ito ay makaraang bisitahin ng mga youth leaders  mula sa naturang mga bansa kasama ang mga opisyal ng National Youth Commission ng Pilipinas ang Klinika Bernardo, isang social hygiene clinic para sa mga may sakit na Aids at HIV.

Ang Klinika Bernardo ay nagpapatupad ng confidentiality at non-discriminatory services sa lahat ng kliyente nito. Ang mga tauhan nito ay hasa sa mga pagsasanay tungkol sa male sexual health, counseling ng pasyente at kanilang pamilya at paglaban sa sakit na HIV-AIDS.

“Even me I got knowledge about using condom and how it protects me from HIV. I hope to teach this in Thailand.” ayon kay Puwish Bowarnditkhunlanad, alumnus ng Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) at mag aaral ng Chiang Mai University sa Thailand. 

Bukod sa Klinika Bernardo ay may dalawa pang ganitong pasilidad sa QC, ang Klinika Novaliches at Klinika Project 7  na pawang nagbibigay ng ayuda sa mga HIV-AIDS patients.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with