^

Bansa

Duterte sa ASEAN: Illegal drugs sugpuin!

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanawagan kahapon si Pangulong Duterte sa mga kapwa niya head of states sa ASEAN na magkaisang labanan ang illegal drugs sa rehiyon.

“We must be resolute in ensuring a drug-free ASEAN. I have seen how illegal drugs have destroyed the dreams and lives of people,” pahayag ng Pangulo sa pagbubukas ng 30th ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“With political will and cooperation, it can be dis­mantled, it can be destroyed before it destroys society,” dagdag ng Pa­ngulo.

Ayon sa Pangulo, nakita niya mismo kung paano sirain ng illegal drugs ang kabataang Filipino lalo ng ilunsad niya ang drug war ng maupo siyang chief executive ng Pilipinas.

“I have seen how illegal drugs have destroyed the dreams and lives of people. It [illegal drugs] should be destroyed before it destroys our society,” giit pa ni Duterte.

Samantala, nanawagan din ang Pangulo sa kapwa miyembrong bansa sa ASEAN na kilalanin ang mutual respect, independence, sovereignty, teritorial integrity at non-interference sa internal affairs ng bawat bansa.

Sa mga hindi naman  pagkakaunawan ay mahalaga pa rin ang dayalogo upang mapayapang malutas ang anumang isyu.

Iginiit din ng Pangulo ang pangangailangan na pumosisyon ang samahan sa international arena.

“It is time for the  Asean  to finally assert, with con­viction, its position in the international arena,”  wika nito.   

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with