P.5-M ari-arian sa Makati City natupok
MANILA, Philippines - Tatlo katao ang sugatan at 14 na pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos tupukin ng apoy ang 14 na kabahayan na tinatayang umabot sa kalahating milyong pisong mga ari-arian ang napinsala kahapon ng tanghali sa Makati City.
Ginagamot ngayon sa isang ospital ang mga biktimang sina FO1 Randy Cuintas, Raymond Tan at Allen Capria, nagtamo ang mga ito ng minor injuries sa katawan.
Ayon sa report ng Makati City Bureau Fire Protection alas-12:00 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng mag-asawang Anita at Gorgonio Santiago sa Unidos St., Brgy. Santa Cruz ng nasabing lungsod.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at nadamay din ang isang apartment.
Dahil sa insidente, nasa 14 pamilya ang nawalan ng tirahan at ang tatlo namang sugatan ay isinugod sa isang ospital.
Mabilis namang nakapagresponde ang mga bumbero sa lugar, na umabot sa ikatlong alarma.
Alas-12:30 kahapon din ng tanghali nang idineklarang fire out ang insidente at aabot umano sa P.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
- Latest