Widodo bukas sa clemency kay Mary Jane

MANILA, Philippines -  Hindi isinasantabi ni Indonesian President Joko Widodo ang pagkakaloob ng clemency sa Pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row subalit nakadepende umano ito sa Indonesian Law at pagtingin ng korte. 

Ito ang sinabi ni President Widodo sa exclusive interview ni ANC Headstart host Karen Davila kaugnay sa kaso ni Veloso na sinasabing posibleng isa sa agenda sa sandaling magkausap sila ni Pangulong Duterte sa kanyang state visit sa Pilipinas ngayon.

“I respect the prevai­ling laws and regulations in Indonesia. Same thing goes for Mary Jane Veloso’s case,” wika ni President Widodo sa ANC Headstart. 

“Indonesia respects the rights of Mary Jane and I know, Mary Jane is also facing cases in the Philippines. Therefore, the cooperation between the governments of the Indonesia and the Philippines is very important in resolving this issue,” dagdag ni Widodo. 

Magugunita na kamakalawa ay nagsadya sa Malacañang ang ina ni Mary Jane na si Celia Veloso kasama ang iba pang magulang ng OFW na nasa death row din sa Middle East upang umapela kay Pangulong Duterte na tulungan na makakuha ng clemency ang kanilang mga anak. 

“Ako po’y nananawagan sa ating mahal na Pangulo, sana po kausapin nya po ang Presidente ng Indonesia, na sana mahintay niya pong matapos ‘yung paghi-hearing namin. At nakikiusap din po ako sa kanya na sana tulungan niya rin po si Mary Jane at alamin niya ang buong katotoha­nan, at sana matulu­ngan niya pong makalaya na si Mary Jane,” wika ni Mrs. Veloso. 

 

Show comments