^

Bansa

EJK sa Pinas, talakayin sa ASEAN Summit – AI

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
EJK sa Pinas, talakayin sa ASEAN Summit � AI
Ayon sa AI, kailangang magkaisa ang 10 head of states na miyembro ng ASEAN para makabuo sila ng nagkakaisang paninindigan sa mga isyu ng paglabag sa mga karapatang pantao, brutal na pagpatay na may kaugnayan sa droga at iba pang uri EJK.
AP, file

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang human rights group na Amnesty International (AI) sa mga lider na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kanilang talakayin ang isyu ng kontrobersyal na human rights violations at extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas.

Ayon sa AI, kailangang magkaisa ang 10 head of states na miyembro ng ASEAN para makabuo sila ng nagkakaisang paninindigan sa mga isyu ng paglabag sa mga karapatang pantao, brutal na pagpatay na may kaugnayan sa droga at iba pang uri EJK.

Hinimok kahapon ni Champa Patel, director ng Amnesty International for Southeast Asia, ang ASEAN leaders na alamin kung ang sinasabing “mass killings” sa Pilipinas ay masasabing “serious breach” o paglabag sa isinasaad ng ASEAN charter partikular ang ipinangakong pagsunod sa mga karapatang pantao. 

Una nang pinuna ng Amnesty International ang pamamaraan ni Pangulong Duterte sa war on drugs nito kung saan libu-libo na umano ang napapaslang.

Sinabi ng nasabing global rights group na pakana rin mismo ng Duterte administration ang “mass murder” o walang pakundangang pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers at adik dahil pinopondohan ang mga operasyon at pagpatay habang nakatatanggap pa umano ng reward ang mga pulis na nakakapaslang sa kanilang target.

Binigyang-diin pa ni Patel na kailangang magkaroon ng klarong mensahe mula mismo sa ASEAN na dapat na mapanagot ang bansang lumalabag at matuldukan na ang mga nakakadismaya at nakakagulat na mga paglabag.

Bago ang pagdaraos ng ASEAN Summit, sinampahan ng isang abogado si Pangulong Duterte at 11 pang opisyales ng pamahalaan ng kasong “crime against humanity” dahil sa umano’y “mass murders” sa Pilipinas.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->