MANILA, Philippines - Inilunsad ng pamunuan ng Social Security System ang pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa mga employers na hindi nagreremit ng buwanang kontribusyon ng mga tauhan sa SSS sa ilalim ng Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign.
“Sa RACE ay maipakikita ng SSS ang pwersa nito na ipatupad ang batas sa mga pampublikong lugar at tugunan ang mga isyu ng mga miyembro nito.
Isa itong paraan para itanim sa isipan ng mga employer ang kanilang responsibilidad, at magkaroon ng batayan sa paghuli at pagsampa ng kaso laban sa mga delingkwenteng employer na lumalabag sa Republic Act 8282 o Social Security Law,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.