Libreng pabahay ‘di kakayanin ng gobyerno

Inamin ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na hindi kakayanin ng gobyerno na palaging magbigay ng libreng-pabahay.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines -  Inamin ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na hindi kakayanin ng gobyerno na palaging magbigay ng libreng-pabahay.

Paliwanag ni Benitez na kahit sinong pamahalaan ay hindi pwedeng magkaloob ng housing units sa mga benepisyaryo nang walang babayaran.

Hindi rin umano magiging tama ang housing program ng administrasyon kung palagi na lamang libre ang pabahay.

Giit ni Benitez, sa kasalukuyan ay masyadong mahal ang lupa at mga materyales para sa konstruksyon ng housing units, kaya kung gagawing libre ang pabahay ay posibleng hindi magtagal ang proyekto.

Nilinaw naman ng kongresista na maaari namang magkaroon ng pribilehiyo ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, para sa abot-kayang pabahay.

Panahon na rin umano para tutukan ng pamahalaan ang socialize housing program, kung saan mas mababa ang presyong babayaran para sa pabahay.

Apela rin ni Benitez sa publiko partikular sa mga miyembro ng KADAMAY, mas mabuting paghirapan ang pagkakaroon ng pabahay at huwag nang mang-aagaw, dahil ang nawawalan ng units ay mga totoong may karapatan na indibidwal gaya ng mga uniformed personnel.

Show comments