^

Bansa

Radiation sa Wi-Fi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng pag-usad sa Senado ng panukalang batas na  naglalayong magkaroon ng libreng internet access program sa mga pampublikong lugar, nagbabala naman ang isang senador sa masamang epekto ng radiation mula sa Wi-Fi emitters o devices.

Nais ni Senator Juan Miguel Zubiri na isama sa panukalang batas  na tatawaging “Free Internet Access in Public Places  Act” ang paglalagay ng babala tungkol sa electromagnetic field (EMF) radiation at iba pang radioactive materials na nanggagaling sa mga telecommunication infrastructure at facilities kabilang na ang mga relay stations, repeaters, boosters, at telecommunication towers.

Pero agad ring nilinaw ni Zubiri na suportado niya ang panukalang batas tungkol sa libreng Wi-Fi lalo na sa mga mahihirap at malalayong lugar  bagaman at dapat aniyang tiyakin ng Department of Health, Department of Information and Communications Tecnology (DITC), at mga telecommunication companies na mapoprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Gusto ni Zubiri na mailagay sa mga tamang lugar ang mga repeater stations at magkaroon rin ng limitasyon sa radius ng EMF signals na pinaniniwalaang nagdudulot ng cancer lalo na sa mga bata.

Idinagdag ni Zubiri na marami ng “empirical data” lalo na sa internet tungkol sa panganib na dulot ng EMF signals kaya dapat mabalaan rin ang mga mamamayan kung nasaan ang mga “danger zones”.

Inihalimbawa ni Zubiri ang Green Meadows na wala ng telecommunications company tower dahil noong mayroon pa itong tower sampung taon na ang nakakaraan, nagkaroon ng 45 kaso ng cancer na naitala sa mga lugar na direktang nasa linya ng EMF tower.

Dalawampu umano sa mga nagka-cancer sa lugar ay namatay na samantalang 25 pa ang nakikipaglaban sa nasabing sakit.

WI-FI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with