MANILA, Philippines - Lumagda kahapon ang Estados Unidos at Pilipinas ng bagong “partnership” upang mapalawig ang kanilang pagsisikap na labanan at mapababa ang online child sexual exploitation at child labor trafficking sa Pilipinas.
Ayon sa US Embassy sa Manila, ang US-Philippines Child Protection Compact (CPC) Partnership ay nilagdaan nina Justice Secretary at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Chair Vitaliano Aguirre II, na nagsilbing kinatawan ng Pilipinas at Chargé d’Affaires Michael Klecheski ng US.
“CPC is a jointly-developed, four-year plan aimed at bolstering current efforts to prosecute and convict child traffickers; provide comprehensive, trauma-informed care for child victims of these crimes; and prevent these crimes from occurring in the future,” ayon sa US Embassy.
Ang paglalagda ng CPC partnership ay nagbibigay sa Department of State’s Office na i-monitor at labanan ang trafficking sa mga bata kung saan maglalaan ito ng hanggang P149 milyon mula sa U.S. foreign assistance funds upang masolusyunan ang problema sa online child sexual exploitation, at may karagdagang P25 milyon pa upang mapalawak ang awareness o kamalayan ng publiko at mapaganda ang pagtugon sa child labor trafficking.
“The Partnership reflects a shared concern about the harmful and lasting impact of online sexual exploitation of Filipino children – especially when undetected – and a mutual interest in partnering to improve efforts to prevent children from becoming exploited in domestic servitude or other forms of child labor trafficking,” ayon sa Embahada.
Sa karagdagang detalye tungkol sa Office to Monitor and Combat Trafficking in Persons at iba pang Child Protection Compact Partnerships, maaari umanong bumisita sa https://www.state.gov/j/tip/.