25 undocumented OFWs sa Saudi nakauwi na

MANILA, Philippines -  Nakauwi na kahapon sa bansa ang 25 undocumented OFWs na tumakas sa kanilang mga employer sa Saudi Arabia.

Sinalubong ang mga ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at binigyan ng airport assistance nang dumating sa NAIA lulan ng ?Philippine Airlines flight PR 663 dakong alas-7 ng umaga, kahapon.

Ito ang unang batch ng 5,000 OFWs na tumanggap sa ibinibigay na  90-araw na amnesty program ng Saudi government para sa illegal foreign nationals na nananatili at nagtatrabaho sa Saudi.

Sa nasabing program, hindi na papatawan ng anumang penalty o multa ang mga may problema sa kanilang pananatili sa Saudi tulad ng mga may “iqama” na napaso bago o sa Marso 19, 2017, ang mga manggagawang may permit subalit walang iqama ID card, mga runaway workers na nagreport bago o noong Marso 19, 2017; ang Umrah at Haj stayers (pilgrimage), mga pilgrims na walang Haj permit at mga “infiltrators” na tumawid sa Saudi borders.

Tatanggap din ang mga umuwing OFW ng post repatriation services kabilang na ang pansamantalang tuluyan sa OWWA Halfway house; psychological social counseling o stress debriefing, medical referral, at pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Aalukan din ang mga ito ng non-cash livelihood package na nagkakahalaga ng P10,000.

Show comments