^

Bansa

Rice importation, ‘hold’ muna- Piñol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi muna itutuloy ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang nakabi­ting rice importation ng National Food Authority (NFA)

Ito ayon kay Pinol ay upang bigyang daan muna ng NFA ang pagbili sa mga anihing palay ng mga magsasaka ngayong buwan.

Binigyang diin ni Piñol na walang dahilan para payagan ang NFA council na makapag import ng 250,000 metric tons ng bigas mula abroad para gamiting buffer stocks ng bansa

Ayon sa Kalihim, ma­dami ang mabibiling ina­ning palay ng NFA mula sa ating magsasaka dahil wala namang malalaking bagyo ang dumaan sa ating bansa sa nakalipas na ilang buwan laluna sa Northern Luzon, Southern Luzon at Mindanao.

Una nang hiniling ni NFA administrator Jason Aquino sa NFA council na payagan na lamang na magkaroon ng govern­ment to government procurement ng bigas sa halip na rice importation para magkaroon ng buffer stock ang ahensiya na maga­gamit sa panahon ng emergency o mga kalamidad.

Dati ay hindi rin pumayag si Aquino sa rice importation dahil sa uunahing pakinabangan ang ani ng local farmers pero agad  nagpalabas ng order ang NFA council na mag-import ng bigas sa ibang bansa.

RICE IMPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with