Employers pinaalalahanan sa Anti-Age Discrimination Act
MANILA, Philippines - Ipinaalala ni Sen. Bam Aquino sa mga employers ang batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa edad.
Ayon kay Aquino, dapat matiyak na istriktong maipatutupad ang Republic Act 10911 o ang Anti-Age Discrimination in Employment Act na ang layunin ay magkaroon ng pantay na pagkakataon ang lahat sa pag-aaplay ng trabaho
Ipinunto ni Aquino na mababalewala ang layunin ng batas kung hindi naman ito maipatutupad. Mas dapat anyang tingnan ang kakayanan ng nag-aaplay ng trabaho kaysa sa edad ito.
Ipinagbabawal sa batas ang pag-iimprenta o publishing ng anumang notice o patalastas na may kaugnayan sa employment na naglalagay ng diskriminasyon o limitasyon sa edad.
Bawal ding ipadeklara ang edad sa hiring process o hindi tanggapin ang aplikante dahil lamang sa edad nito.
Bawal rin sa RA 10911 na puwersahang i-dismis ang isang empleyado dahil may edad na ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng early retirement.
Muling ipinaalala ni Aquino na ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalampas sa P500,000.
- Latest