MANILA, Philippines - Sugatan ang isang menor-de-edad na binatilyo makaraang pasabugan ng improvised explosive device o IED ang tapat ng isang restaurant na sinasabing hindi nagbibigay ng extortion money sa bahagi ng Quezon Avenue, Poblacion, Midsayap, North Cotabato kahapon ng alas-4:30 ng madaling araw.
Ayon kay P/Supt. Bernard Tayong, hepe ng Midsayap PNP ang biktima na taga Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato ay dumaan lamang sa Quezon Avenue, Barangay Poblacion-5 ng naturang bayan nang mangyari ang pagsabog ng hindi pa matukoy na uri ng explosives.
Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives at Explosive and Ordinance Disposal team sa lugar.
Pero sabi ni Tayong, posibleng extortion ang motibo ng naturang pambobomba na nangyari malapit lang sa isang sikat na kainan sa Midsayap.
Hindi naman nila isinasantabi na posibleng kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasabing insidente.