Kelot binoga sa ulo, tigok

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 30-anyos na lalaki nang barilin sa ulo habang naghihintay sa kaibigan sa isang playground  sa Baseco Compound, Port Area, Maynila,  kamakalawa ng  hapon.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Usman Unto, subalit dinawian din ng  buhay.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek at ang motibo sa krimen.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicie Section, dakong  alas-4:30 ng hapon nang maganap ang pammaril sa biktima sa  Baseco Playground na matatagpuan  sa Block 9 Habitat, Baseco Compound,.

May hinihintay umanong kaibigan ang biktima nang habang nakatalikod ay biglang nilapitan ng hindi kilalang suspek at barilin sa likod ng ulo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Show comments