DepEd naghahanda sa Palarong Pambansa

MANILA, Philippines -  Nagsasagawa ng puspusang paghahanda ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) para sa 2017 Palarong Pambansa na nakatakdang idaos sa San Jose de Buenavista sa Antique sa Abril 23 hanggang 29.

Lumagda na ang Dep­Ed at ang Provincial Govern­ment ng Antique ng Memorandum of Agreement para sa Pa­laro.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ang Technical Working Committee na pinamumunuan ng Schools Sports Division (SSD), ay nagsagawa ng Technical Conference sa Adelaide Tourist and Travelers Inn sa Antique.

Aniya, layunin  nilang ma-update ang mga kalahok sa mga development, pinal na plano at paghahanda ng host local government unit, na may kinalaman sa taunang aktibidad, kabilang na rin ang national  screening at accreditation process; final arrangements para sa local transportation at iba pang basic requirements; at listahan ng mga accre­dited officiating officials.

Kabilang sa mga lumahok sa kumperensiya ay ang Regional Sports Coordinators, Tournament Managers, SSD staff, pi­ling miyembro ng National Technical Working Committee, at ang host LGU/ Region/ Division Offices.

Ang tema ng Palaro ngayong taon ay “2017 Palarong Pambansa: Converges Youth Power, Builds Sustainable Future,” na nagha-highlight sa papel ng kabataan na makapagtatag ng mas magandang kinabukasan.

Show comments