^

Bansa

Kelot na barker pinatahimik sinaksak ng 2 kaaway

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patraydor na sinaksak buhat sa likuran ng isa sa dalawang lalaki ang isang binatilyong barker habang nagtatawag ang biktima ng pasahero ng mga jeep sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan ngayon sa Valenzuela City Medical Center dahil sa tama ng saksak sa likod ang 17-anyos na si Feldrin Iglesia, ng A. Castillon Street, Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.  Pinaghahanap naman ngayon ang mga suspek na nakilala pa lamang sa mga alyas na “Jeric” at “Alexis”.

Sa ulat ng pulisya, nagtatawag ng pasahero sa isang jeepney terminal sa may CJ Santos Street, Brgy. Malinta, dakong alas-2 ng madaling araw nang dumating ang dalawang suspek.  Kinuha umano ni alyas Alexis ang atensyon ng biktima habang pasimpleng pumuwesto sa likuran si alyas Jeric at isang beses na sinaksak si Iglesia.

Mabilis na nagtatakbo ang mga suspek matapos ang pananaksak habang sinaklolohan naman ng mga tsuper ang biktima at mabilis na naisugod sa pagamutan.

Nabatid na may matagal na umanong alitan ang biktima sa mga suspek na dahilan ng krimen.

vuukle comment

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with