Duterte inalok ng P3B areglo ang Mighty

MANILA, Philippines -  Inalok kahapon ni Pa­ngulong Duterte ng hala­gang P3 bilyong areglo ang Mighty Corporation bilang compromise kapalit nang hindi na pagsasampa ng kaso laban sa kumpanya dahil sa pekeng tax stamp nito.

Sinabi ng Pangulo sa media interview sa Davao del Sur matapos ang pagdalaw nito sa burol ng 2 sa apat na pulis na tinambangan ng NPA, hindi sa kanya dapat ibigay ng Mighty Corp. ang nasabing halaga kundi direktang ibigay ito kay Health Sec. Paulene Jean Roselle-Ubial upang magamit ang nasabing halaga para sa pagpapatayo ng ospital sa Sulu, Basilan at Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila.

Aniya, wala ng mangyayaring kasuhan sa Mighty basta ibigay nila ang nasabing halaga para magamit ito sa matagal nang pangarap ng mga taga-Basilan at taga-Sulu na magkaroon sila ng ospital.

Idinagdag pa ni Duterte, tig-P1 bilyon para sa upgrading ng Mary Johnston Hospital sa Tondo at tig P1-B sa ipapatayong ospital sa Basilan at Sulu.

 

 

Show comments