Kababaihan tinawag na bayani ni Duterte

MANILA, Philippines -  Tinawag na bayani ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kababaihan sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong mapalad ang Pilipinas dahil maraming kababaihang Pilipino ang kilala sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Generations have been witness to the amazing ways by which women have transformed societies by playing the role of mothers, workers, intellectuals, educators, caregivers, soldiers, activists, artists and leaders,” pahayag ng Pangulo.

Anya, tinitingala ng buong mundo ang kababaihan dahil sa kanilang creativity at imaginations dahil sa kanilang katapangan na ipinamalas na sakripisyo at kawanggawa.

“We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground for outstanding women in various sector. Together, we can change work for women and women can change work,” wika pa ng Pangulo.

 

Show comments