Harana hiniling suspindihin
MANILA, Philippines - Pinasususpinde ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang prangkisa ng Harana Bus and Travel, ang kumpanyang kumontrata sa Bestlink College of the Philippines para isakay ang mga mag-aaral ng paaralan sa kanilang field trip sa Tanay, Rizal kamakailan na kumain ng 15 buhay.
Ang Harana Bus and Travel ang kakontrata ng Bestlink para magbigay ng mga bus unit na maghahatid-sakay sa mga estudyante ng naturang paaralan pero kumuha naman ang Harana Bus and Travel ng ilang bus unit ng Panda Coach Travel na nasangkot sa malagim na aksidente sa Tanay noong nakaraang buwan.
“Malinaw na bagamat hindi naman bus ng Harana ang nasangkot sa aksidente ay sila naman ang kumuha dito upang idagdag sa mga units nila para isakay ang mga estudyante. Dapat sila mismo ang mag-provide ng safe adequate and convenient transport service sa mga mag aaral,” pahayag ni Atty Ariel Inton, founder ng LSCP.
Hanggang sa ngayon, ang franchise ng Panda Coach pa lamang ang nasususpinde ng LTFRB. Hindi kasama ang franchise ng Harana Bus.
- Latest