^

Bansa

Pinatay ni Lascañas umabot sa 300

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ni dating Senior Police Officer 3 Arthur Lascañas sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public order and illegal drugs na umabot sa pagitan ng 200 hanggang 300 katao ang kanyang napatay simula nang pumasok siya sa serbisyo noong 1982.

Muling humarap kahapon sa pagdinig ng komite si Lascañas kung saan isinalaysay niya ang naging papel sa Davao Death Squad (DDS) o ang grupong ginamit umano ni dating Davao City mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­likida ng mga sangkot sa ilegal na droga sa ka­nilang siyudad.

Pero nilinaw din ni Las­cañas na sa nabanggit na bilang na 300 ay 200 katao ang kanyang pinatay noong siya ay kasapi na ng DDS.

“Kung sa DDS lang po, start with 1989, sabihin nalang natin almost 200,” sabi ni Lascañas.

Wala rin umanong listahan si Lascañas ng mga tao na kanyang pinatay at hindi na niya tanda kung sino ang una niyang pinatay.

Isiniwalat din ni Lascañas na bumibili sila ng mga hindi lisensiyadong baril lalo na ng kalibre 45 at M16 na ang pondo ay kinukuha nila kay dating SP04 Sonny Buenaventura na isa umano sa pinagkakatiwalaang tao ni Duterte.

“Since naging mayor si Rodrigo Duterte, kami na po ang pinakaunang death squad starting 1989,” pahayag ni Lascañas.

Inihayag din ni Lascañas na 90% ng mga inihayag ng isa rin sa dating kasapi ng DDS na si Edgar Matobato sa mga testimonya nito sa Senado ay totoo.

Ikinuwento rin ni Lascañas ang naging operasyon ng DDS sa broadcaster na si Jun Pala kung saan pinangalanan nito ang gunman na si Valentin Duhilag.

Inamin din ni Lascañas na “indirectly” ay mayroon siyang papel sa pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid na si Cecilio  noong 2011 at Fernando noong 2013 na kapwa nasangkot sa ilegal na droga.

“Siguro kung hindi ako gumawa ng judgment call sa mga kapatid ko, kung in-arbor ko sila, baka buhay pa sila, nakakulong lang,” pahayag pa ni Lascañas.

Aminado rin si Lascañas ang pagkakasangkot sa pagpatay sa isang Jun Bersabal na isang dating sundalo ng Police Constabulary, 11 Chinese nationals, 1 Taiwanese na nagngangalang Charlie Tan, maging kay Sali Makdum na isang Pakis­tani terrorist na hiningan pa nila ang asawa ng P50,000 na ransom.

Ayon pa kay Lascañas, may isang insidente rin na nakasama nila sa operasyon si dating S/Supt. at ngayon ay Philippine National Police Chief Ronaldo “Bato” dela Rosa kung saan tinarget nila ang isang most wanted criminal sa Davao.

Samantala, nakuwestiyon din ng mga senador ang sinasabing “spiritual awakening” ni Lascañas na nagsimula umano ng magkasakit at kinaila­ngang i-dialysis.

“Noong nag-dialysis ako, umiwas ako sa pamil­ya ko. Nag-rent ako ng sariling condo, gusto ko lang mag-isa,” ani Lascañas.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Senator JV Ejercito ang motibo ni Lascañas sa pagbawi ng kanyang naunang testimonya na hindi totoo ang DDS na resulta lamang umano ng “media hype”.

Ayon kay Ejercito, apat umano sa business proposals ni Lascañas ay hindi napagbigyan ng mga kaalyado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ka­bilang umano dito ang pagkuha ng franchise para sa isang small town lottery (STL), pagtatayo ng isang customs brokerage, aplikasyon para mag-operate ng isang van terminal sa Davao City, at pagsusuplay sa isang quarry para sa panukalang 53 kilometer Coastal Road sa Toril-Bunawan.

 Humingi ng paumanhin at pag-unawa sa Senado si Lascañas sa kaniyang pagsisinunga­ling nang unang humarap sa pagdinig nitong nakaraang taon.

Sa kaniyang pagbabalik sa Senado kahapon, inamin ni Lascañas na inutusan siya ni SPO4 Sonny Buenavantura na pabulaanan lahat ng sinasabi ng umano’t hitman ng DDS Edgar Matobato.

Aniya, sinunod niya ito dahil sa pangamba para sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Dagdag niya na ipinaabot ni Buenaventura ang mensahe para sa kaniya sa pamamagitan ni Superintendent Antonio Rivera na may nala­laman din sa kalakaran ng DDS.

Nabatid sa committee chairman Sen. Panfilo Lacson na tinapos na nila kahapon din ang pagdinig dahil wala nang punto para ipagpatuloy ito.

ARTHUR LASCAñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with