^

Bansa

Video ng German hostage na pinugutan ng Abu ‘wag ikalat - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umapela ang Philippine National Police (PNP) na huwag nang ikalat ang umano’y video ng pinugutang Aleman ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos na sa pamamagitan ng hindi pagpapakalat ng nasabing video sa internet ang isa sa maituturing na paraan ng pagpapakita ng respeto at pakikiramay sa pamilya ng biktimang si Juergen Gustav Kantner.

“As we mourn the loss of Mr. Kantner, we earnestly appeal to netizens, internet subscribers and mobile phone users to please refrain from propagating the video clip of Mr. Kantner’s murder,” ani Carlos.

Tumutulong na rin ang PNP sa militar sa Sulu sa paghahanap sa labi ni Kantner.

Tiniyak din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bibigyang hustisya ang hostage na Aleman.

Pinugutan si Kantner ng Abu Sayyaf matapos mabigong magbayad ng P30 milyong ransom ang pamilya nito.

Sinabi ni Año na ma­ging ang mga supplier ng droga ng Abu ay kanilang tutugisin base na rin sa impormasyon na lulong sa droga ang mga berdugong ekstremista na sangkot sa pamumugot ng ulo ng mga bihag.

Ito’y base sa mga na­rerekober na drug paraphernalia at mga droga sa mga pinagkukutaan ng mga bandido partikular na sa Basilan at sa Sulu kung saan itinatago ang mahigit sa 20 hostages.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo sa kasalukuyan ay nakatuon ang konsentrasyon ng military sa bayan ng Indanan at Parang, Sulu upang hanapin ang katawan at ang pugot na ulo ng Aleman.

Si Kantner ay dinukot ng mga bandido matapos na harangin ang yate nitong Rockfall habang naglalayag sa karagatan sa pagitan ng Tawi-Tawi at Malaysia noong Nobyembre 2016.

Ang misis ni Kantner na si Sabine Merz, 56, ay hubo’t hubad na narekober ang bangkay noong Nobyembre 6, 2016 sa loob ng yate matapos itong gahasain at barilin sa ulo ng mga bandido.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with