MANILA, Philippines - Dismayado si Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos hindi dumalo ang mga kinatawan ng Bestlink College Philippines sa dialogue na inorganisa ng kongresista.
Nag-organisa ng dialogue si Vargas bilang neutral grounds at magsilbing mediator sa pagitan ng mga kaanak ng nasawing estudyante at Bestlink College.
Nauna na rin nagsagawa ng privilege speech sa plenaryo ng Kamara ang kongresista, isang araw matapos ang malagim na pag-crash ng sinasakyang bus sa Tanay, Rizal.
“The families of the victims, most of whom are my constituents, have been running back and forth without direction and guidance – to the school, to hospitals, to morgues – with many of their questions unanswered, like who will pay for the funeral and the hospital, how to bring their dead home, and how to get medical assistance for the survivors who suffered major injuries,” ayon pa kay Vargas.
Giit ng mambatas, nakakapanlumo umano na walang centralized na lugar kung saan maaaring magtungo ang mga biktima para humingi ng assistance, kaya naman inilaan umano niya ang kanyang tanggapan bilang focal point para marinig ang lahat ng kanilang concern at pangangailangan
Sinimulan na rin ni Vargas ang koordinasyon sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na dito PNP, DepEd, LTFRB, CHED, DSWD, at DOH upang masiguro na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga biktima at kanilang mga pamilya at mapanagot na rin ang mga responsable sa nasabing aksidente.
Kaugnay nito naghain ng House Resolution 809 si Vargas na humihiling na imbestigahan ang pagkakasangkot ng Panda Coach Tours and Transport Inc.