ERC buwagin-Speaker Pantaleon

MANILA, Philippines - Ipinabubuwag ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Energy Regulatory Commission (ERC) dahilan sa mga isyu ng iregularidad.

Sa House Bill 5020, na inihain ni Alvarez nais niyang palitan ang ERC ng Board of Energy (BOE) na magiging attached agency ng Department of Energy (DOE).

Sa ganitong paraan umano ay masisiguro na ang board ay malinaw na nasa ilalim ng Regulatory Arm ng gobyerno at nasa direktang kuntrol ng presidente ng bansa.

Sa ilalim ng panukala ni Speaker, ang BOE ay bubuuin ng chairperson at dalawang miyembro na itatalaga ng presidente.

Maliban dito, ipagbabawal din sa mga opisyal nito pati na sa kanilang mga kaanak na magkaroon ng koneksyon o interes sa Energy Business at hindi rin maaaring maitalaga dito ang sinuman na nagtrabaho sa petroleum o power industry upang maiwasan ang conflict of interest.

Paliwanag ni Alvarez, hindi na dapat maulit ang mga iregularidad sa ahensiyang ito na tulad ng nagtulak noon kay ERC Director Francisco Jose Villa Jr. na nagpatiwakal.

Show comments