De Lima kinasuhan uli sa Ethics

MANILA, Philippines - Panibagong reklamo ang inihain kahapon sa Senate Ethics committee laban kay Sen. Leila de Lima na may kaugnayan pa rin isyu ng iligal na droga.

Sa reklamo ni Kabayan Rep. Harry Roque, nakipagsabwatan umano ang senadora sa kanyang ka-partido na si Rep. Ron Salo upang maitago ang negosyo ng droga sa New Bilibid Prisons.

Si Salo umano ang chairman ng Bureau of Corrections (BuCor) Love Foundation Inc. noong si de Lima pa ang kalihim ng Department of Justice.

Sinabi ni Roque na ang BuCor Love ang tumulong umano sa drug lord na si Herbert Colanggo sa pagsasagawa niya ng concert sa loob ng kulungan at pagre-record ng album sa loob rin ng NBP.

Agad namang itinanggi ni de Lima ang akusasyon at sinabing hindi niya kilala si Salo at kahit isang beses ay hindi niya ito nakausap.

“Secondly, I don’t know where Mr. Roque is coming from. I’m sorry to hear that he has been expelled from his party. Maybe if he served his party better rather than wasting his time on baseless and inane attacks against me, he wouldn’t have lost his constituents,” ani de Lima.

Show comments